We went to Luneta a few weeks ago just because I've been requesting to go there for quite a while now. Almost 9 years na ako sa Manila but I never really had the chance to go there to spend some relaxation time, do some sightseeing and trying to be a tourist in my own city. I know I sounded so like a probinsyana, pero that's the truth, probinsyana talaga ako and I feel so legit if makapunta na ako at maexperience ang Luneta. Haha, I know right, ang korni ko.
If you're a K-drama fanatic, you probably have seen this dessert a lot of times and eventually became curious what it actually tastes. I myself has even wondered why they are eating this on a winter.
(Kiel at 22 months)
We were at an ice cream house in Kapitolyo one time. Kiel was sitting on top of the table, nagkukulit as usual. Then a group of Korean teenagers entered and sat at a table near us.
Etong si Kiel, pag nakita nyang me magandang nakatingin sa kanya, lumalabas ang pagkapagong. Haha, nahihiya kasi.He tends to hide his face sa pamamagitan ng pagyuko or kaya isusubsob mukha nia sa amin, then susulyap sulyap sa chicks to check if tinitingnan pa din sya. Haha, you could just imagine him so cute while doing that.
So ayun na nga sa ice cream shop, nakita niang tinitingnan sya ng isa sa mga Koreana, eh di natahimik at naging pagong. So tinukso tukso namin sya. Hehe.
After a while, extra kulit na sya sa taas ng mesa so binaba na namin para makapag lakad lakad naman.
Aba eh, pumunta ba naman dun sa isa sa mga Koreanang nakaupo at tumambay sa legs ng babae. Haha! Parang gusto pa nga magpakandong! Haha, mukhang crush nia. 😄
Tinry namin sabihan na bumalik na sa mesa namin kasi nakakahiya. Aba ang bata, ayaw pa magpakuha. Sapilitan na namin syang binuhat para ibalik sa mesa namin.
Pero ayun at bumabalik pa din talaga dun. Haha! And take note ah, ang pinakamaganda pa talaga ang napili nia. Napatawa tuloy kami pati na din yung mga Korean teenagers.
Ganun pala si Kiel pag nagkacrush, aggressive. Hihiya hiya pa kunwari..Ahahaha!
Napaisip tuloy ako, baka kaya trip ni Kiel ang Koreana kasi nung pinagbubuntis ko sya, mahilig akong manood ng koreanovelas?
We celebrated Mother's Day a day earlier this year. Last year kasi, since first time namin magplan on our own, sobrang nahirapan kami to find a place where we could eat on Sunday mismo. So this year, Saturday pa lang we celebrated it na. And dahil sigurista, we made reservations na din.
(Kiel at 22 months)
Kiel became hooked to ABS CBN's summer station ID (Ikaw Ang Sunshine Ko song) these days. As in on repeat mode ang song sa tablet nia.
Yung gusto pa nia hinahawakan ang tablet para sa kanya, eh ngalay din. My sister had this bright idea of using her mini tripod para dun ilagay ang tablet.
Kaso etong si Kiel, bago sa paningin ang tripod kaya ginawang laruan. Ningangatngat pa pag di sinaway.
Yung problem, detachable ang rubber ends ng tripod. Ayaw nia bitawan nung kinukuha sa kanya. Scary kasi choking hazard kaya todo bantay na lang talaga.
That day he was playing with it sa tabi ko. Eventually nagsawa din sya and binigay sakin ang tripod after nia laruin. Chineck ko, buo naman. No missing parts.
Then lumipat sya sa tabi ng sister ko. Kumuha ng biscuit. Maya maya me narinig na lang ako...
"Aaaack...aaack!"
Napatingin ako bigla sa kanya! Hawak hawak nia leeg nia. Takot na takot ang mukha! At grabe ang tulo ng luha! Mukhang me nalunok na something!
Feeling ko talaga tumalon ang puso ko nun. Napalundag ako papunta sa pwesto nia. Iniimagine ko nang magiging purple ang mukha nia maya maya. Waaah.
Si Ate Luna, ang yaya nia, pinasok ang daliri sa bibig nia, tiningnan kung me bumara para dukutin sana. Wala naman. Muntikan pa nga syang kagatin ni Kiel.
Si Kiel ayaw lumunok, hawak pa din ang leeg. Sige pa din iyak.
Tiningnan ko yung nilalaro niang tripod kani kanina lang. Andun pa din naman yung mga rubber na detachable.
It turned out na nabilaukan sya sa biscuit na kinakain nia. Nissin coconut biscuits yun. Lagi naman nia kinakain yun eh. Napalaki lang ata yung kagat nia at nilunok na nia bago nia pa manguya. Ayun nachoke.
Grabe takot ko nun, as in. First time kong makitang ganun katakot mukha ni Kiel. Mukhang sya mismo natakot din sa pedeng mangyari sa kanya.
Buti na lang talaga biscuit lang. Wag naman sanang dumating sa time na kung ano maisubo nia na pwedeng mastuck sa lalamunan nia.
Binigyan namin syang tubig at luckily mabilis natunaw ung biscuit. After nun, parang wala lang nangyari sa kanya. He's back sa paglilikot uli. Haaay Ezekiel! 😅